Tuesday, September 30, 2008

Elevator Misadventure Episode 2


Nakaschedule ang training namin sa Philamlife, 8am pero 8am na e nsa kalsada pa rin ako. Makati ave to Paseo, ah malapit nlang dba. Lakad takbo lakad takbo. Lawit na dila ko pagdating sa Philamlife building. Binati ako ng guardenia "Good Morning sir" kahit mukhang d ako kagalang galang, nanggigitata na kasi ako. Chineck ung gamit ko nung babaeng inspector ng bag, mano mano ito, unlike sa PSE na laser(?) (whatever, ur such a loser!). Pagbigay ko ng ID ko sa receptionist..hmm.. san ba ang elevator papuntang 18F, xmpre marami xa.. (well sanay na ako sa mga ganyang taktik ng mga arkitek, me 2-19F, tpos ung sunod n elev 20-30F na..and so on and so forth). So hinanap ko ang elevator papuntang 18F, at nasa dulong kaliwa xa... Me naalala ako..

(Flashback) Me interview ako sa isang firm (isla ng walang laya). Pagkatapos kong maligaw ng 30minutes nahanap ko nrin ang lecheng Philamlife building. Akala ko tapos na ang kaba ko na baka maligaw, hindi pa pala. Kala ko safe na ko since nasa loob na ako ng building. Pagkatapos mainspect ang mga dala kong papeles, direcho sa reception, kuha ng visitor ID. OK FINE, PASOK! SH*T! BAKIT ANG DAMING ELEVATOR, NY*TA. Pinalakas ko nlang ang loob ko, "HMP, PAREPAREHO LANG AAKYAT YAN". Xmpre direcho lang ako. Sakay! Add konting smile para di halata ng mga kasabay ko sa elev na super formal na kinakabahan ako. OK pindot 22F! Mejo di ko makita nung una. "EKSYUS PO" sabay lapit ng kamay sa button. EENIMEENIMAYNIMOW! Shockabells, WHERE THE HELL IS 22F??? (PANIC) Patay malisya nlang. Baba nlang ulit ako. Huhuhu.. Pagkatapos kong mahilo at mabingi sa sobrang bilis ng pagbaba ng elev, hinanap ko na kung san ba talga ako sasakay ng elev. AYUN, ME NKASULAT NMAN PALA! Pangalawa mula sa dulong kaliwa. Hay. Loser.

Balik sa katotohanan. 25 minutes na akong late. Sakay sa elevator. Ang di ko maintindihan e kung bakit pinipilit ko pindutin ang metal button na 18 e un plang katabi nyang rubber na circle ang pipindutin. Xmpre patay malisya n naman ako. Buti nlang at nakared na xa (so me pumindot na pala). Sabi ko nlang "AY OKAY NA PALA". Hay ulit. Ang lalim ng buntong hininga ko, galing pang ground floor to 18F. Dahil nagmamarunong ako, d na ako nagtanong sa receptionist kung sang ang training room namin. So inikot ko ang buong floor kakahanap ng training room. Hay ulit. Galing n ng impyerno ang buntong hininga ko. Leche.

Moral lesson: Wag mag-aaply sa firm na nasa building with so many elevators. Hay.

Thursday, September 25, 2008

Ravinhood's Elevator Misadventures Episode 1

Last akong pumasok sa elavator. Me dalawang babaeng nsa pinakalikod bandang kanan sa likod ni Teddy. Pagdating sa fourth floor huminto ang elev. Me nagsalita sa likod "Ekskyus meee!!". Lumabas ako at ung isang lalaki sa likod ko para makaraan ang mga girls na pwede nating bansagang "Another prettypretty-han supergirls in town". Nahirapang lumabas ung unang babae. Pagtingin ko, kaya pala.. malaki xa. Kabaligtaran ung isa na 1/4 lang nya ang size. Pagkalabas nila sumigaw ung malaking "Another prettyprettyhan...", "HELL-O!, EKSKYUS NGA E! ANU BANG IBIG SABIHIN NG EKSKYUS? HALLER! MAHIRAP BANG INTINDIHIN YON? EKSKYUS!"
Sabi nman ng maliit na "Another prettyprettyhan", "OO NGA E, ANU BA YAN?"

Sumara na ang elevator pero naririnig ko pa rin ang boses nung malaking babae. Tumingin ako sa paligid. Mukhang kinakabahan lahat ng mga natira sa elevator. Feeling ko mga staffs sila kaya ganun, natakot. Buti nlang walang Partner n kasabay. Tumingin ako kay Teddy at ngumiti lang sya. Sabi ko sa sarili ko, "Papalutan ko sana kaya lang, anu pang difference namin kung sumagot akong "MISS NA NAGMAMAGANDA, MALAKI KA LANG KAYA NAHIRAPAN KANG LUMABAS, MAG WEIGHTS KA KASI, LAMON KA LANG NG LAMON E!" Eww eww Elevator Etiquette! What an annoying behavior! Whatever.