
Oh well, pasko na naman. At anu pa nga ba? Panahon n nman ng mga regalo-regalohan, de-mon
yito-de-mon
yita, krismas farty at kung anu-anung kaartehan at kachurvahan. Lahat yan have one thing in common. At yun ay.. gastos! I-cash mo man or i-cashcash using your HSBC credit card.
Nagsimula ang aming de-mon
yito-de-mon
yita nung November pa, kakatapos lang ng undas non. Ang effect, something-something.. something big, bigger, biggest! Naalala ko inabot kami ng alas tres ng madaling araw sa starbucks greenbelt 3 kakaisip ng churvang something na yan. Dahil 5 weeks pa yun bago magsipagbakasyon, 5 times kaming magbibigayan, at dahil nagkukuripot pa ang mga tao nung napag-isipan to, P50 lang ang minimum amount. Eto ung list:
1st week - something colorful with at least 5 colors. Okay fine. Nagbunutan. Wait sino nga bang maswerte ang nabunot ko. Oh c MarkF. Binilhan ko sya ng Mug na Mickey Mouse at hanggang ngaun nman e ginagamit nya. Nkikita ko sa area e. Syempre me natanggap ako. Peach salamat sa colorful na mejas. Ahaha. Pinakamasaya sa min non si Ferds kasi nakatanggap sya ng kulay-kulay na tsokolate. Galing ke MarkF.
2nd week - something thumbsize ang drama. Nahirapan ako dito, putik. Di nman kasi ako katulad ni Ferns na panghigante ang daliri. Malas naman. Si MarkF n nman nabunot ko. Hirap magbigay ng gift ke Mark kasi for sure me comments yan. Hmp. Binilhan ko nlang sya ng maliit ng figurine na bear na nabili ko pa sa kasuluksulukan at kataastaasang parte ng Glorietta. Lahat yata ay nahirapan sa paghahanap. Hay nkatanggap ako ng metal na keychain with a Konoha symbol. Galing ke Jam. In fairness, dalawa ung keychain. Ayun nkasabit sa area ko. Sino ang pinakamasaya ng week na to..hmmm. Wala ako maalala, basta walang nagbigay ng pagkain.
3rd week - something that starts with XYZ. Walanghiya ang nakaisip nito. Marami nman kaming naisip na bagay like working paper (?) at cyclophone (???). Well nakatulong ang dictionary dito. Amazing tlaga. Uy, akala nyo c MarkF nabunot ko? Hindi na. Alam nyo ba na blooming ang lovelife ng nabunot ko sa XYZ, masarap din syang magluto, dalawang klase, isang matabang at isang mejo matabang. Ahahaha. Kahapon sapilitan nya akong pinabili ng detergent powder na gawa ng kapatid nya. Ginawa pang tester ung mga damit ko. Ayun, bakit ba napunta ke Kumare ang usapan. Binilhan ko sya ng back issue ng Yummy na magazine. Pinili kong issue e yung mga desserts at sweets para di na matabang ung ipagagawa nyang dessert sa min. Pero promise, masarap yung ref cake na ginawa nya. Grabe. Maiba tau, nkatanggap ako ng Yoshi na action figure. Salamat Ferns, ang bait mo. Nakatanngap din si Bestfrend ng Yoshi pero mas maganda ung sakin at mas mahal.
4th week - something with animal design. Wow, walang effort to. Nabunot ko e si Jam. Amazing. Mickey mouse lang katapat nyan. Something special ang bigayan ng week na to. Sabay kasi sya sa birthday treat ni Jimboy at AngelEla. Wow, Big Buddha. At eto pa, me dalang leche flan c Ferns, na gawa ng Mamma nya. (Hmm.. masyado ng nababanggit ang pangalan ni MarkF aka Jimboy at Ferns dito, hmmp). Nabadtrip ako ke Metel kasi nilaglag nya ako dahil wlang resibo ung gift ko ke Jam. Kelangan kasi ng resibo para maprove na d sya bababa ng P50. Sabi nya kasi nung binili namin yun Mickey mouse na keychains, sya nlang magpoprove kasi walang resibo ung chipanggang stand na binilhan namin. Malas talaga ang araw na yun, puro gastos. Bumili kami ng gift para sa mga celebrants. Gym bag para ke Jimboy kasi chipangga ung ginagamit nya na gym bag. Tpos ke AngelEla, sandamukal na libro. Si Kumare ang nagpauso nung libro na yun. Ahaha. Tpos syempre nagbigay kami ng something ke Bestfrend para sa kanyang resignation. Mural. Ai hindi. Mosaic pala. At puro mukha ni Jam ang nandun sa mosaic. Hmmp. Naglagay kami ng message sa likod ng mosaic na frame. Wala akong nareceive na gift nung gabi na to. Si Peach n nman nkabunot sa kin. Dapat me multa yun kasi Saturday na nya binigay ung gift. Hmp. Stufftoy na lion natanggap ko. Ayun nkakalat din sa area ko.
5th week - something that represents your de-mon
yito/a. Ang hirap naman nito, masyadong madarama. Nakailang ikot ako sa mga mall kakahanap ng gift sa nabunot ko. Amazing. Madali lang nmang bigyan ng gift ung nabunot ko. Ahaha. Antukin sya kaya unan ang ibibigay ko. Grin din sya so pwede na rin ang back issue ng FHM or kahit anung malalaswa at mahalay na magazine. Ahaha. Alin kaya dito. Di pa kasi ako nkakabili.
Kasabay sa 5th week ang bigayan ng pinakafinal ang pinakamahal na gift. 1thou to 1.5thou ang budget. Okay fine. Gumawa kami ng wishlist tpos dun pipili ung nkabunot kung anu igagrant mo. Masaya to. Kaabang abang. Bukas na kasi to e. Ai mamaya pala. Nasa office pa kasi ako. Nagpapanggap na naman.
.....to be continued