
Travel Misadventures will supersede (naks) IAS 1.. Haha, Elevator Misadventures pala. So this will be episode 3!
Scene 1
1.30pm. Sabado. Mainit ang ulo ko. Tpos mainit pa sa bahay nmin sa Manda (sosyal for Mandaluyong). Nagpack-up ako ng konting damit, sama na ang laptop at konting chichirya. Off I go to Cainta (walang sosyal na term, d pa kc xa city.. ung Manda ba? hmm..ewan). Sumakay ako ng bangka. Sira na ang porma ko. Keribels lang, wala pa nmang 30 seconds ang tawid e. Sumakay ako ng jeep papuntang MRT Guadalajara (Guadalupe). Mali ang binabaan ko at sa maling side ng MRT ako umakyat at p*cha siksikan sa masikip at mabahong elevator. I ignore it and climbed the stairs. Kung alam ko lang na aakyat ka pa ulit ng matarik ng hagdan para lumipat sa kabilang side (North Bound), sana tiniis ko na ang init at siksikan. Xmpre pag umakyat ka, bababa ka ulit. Okay fine, e d baba. Pagkatapos bumili ng 14 pesos na tiket hanggang Araneta-Cubao Station, pasok sa loob.
Scene 2
Bago ako makapasok,dumaan muna ako sa masusing pag iinspection ni kuyang Guardenia. Pati ata ung brief ko ininspect, kulang nlang ipaopen ung laptop ko. Hay ang tadhana, bakit pag minamalas ka e ung tipong sukdulan ng malas na parang pinagbagsakan ka ng langit at impyerno. Ang daming tao at ang tren, kung expandable lang e sing lapad n sana ng EDSA. Hmmm.. 3.30pm palang nman so keribels lang. Papasakayin ko muna ang mga katauhan. Pagkatapos ng 3 tren, lalong dumadami ang tao at lalong sumisikip ang tren. Utang na loob. Cge na nga sasakay na ako sa susunod na tren. Goodluck nlang. Buti nlang at di ko tinuloy ang pagbili ng donut sa Powerplant kundi piyaya na xa pagdating sa Cainta.
Scene 3
Di ko n klangang humakbang pagpasok sa tren. Nagulat na ako at nasa loob na ako ng tren. Ok fine. Kaya ko pa ang siksikan, at cguro nman me bababa na sa sunod na station. Boni Station. Wow. Napamura na ako (pero sarili ko lang). Kanina lang buong paa ko pa ung nakalapat sa sahig ng tren, ngaun nkatiptoe na ako. Hanep. Pag-abante ng tren, WOW, me humawak sa backpack ko. Sh*t! Nman naman! Daig ko pa ang gymnast. Tiptoed tpos nkaliyad. Konti nlang abot n ng kamay ko ang sahig. Amazing talaga. Sige, inisip ko nlang, nagbebending ako, stretching ba. Pagdating ng Araneta-Cubao Station, sh*t ganun pa rin ang pwesto ko. Maiistroke na ata ako. Hay.
Scene 4
Eto ang moral lesson. Uunahin ko na. Pag minamalas ka, wag kang magstay sa lugar kung san ka minalas kasi for sure tuloy tuloy ang ligaya, disgrasya pala. HINDI BUMUKAS ANG PINTO NG TREN! Kung kelan ineexpect ko na makakagalaw na ako ng maayos. LIMANG MINUTO pa bago bumukas! Me lalaki sa pinto na buong byahe e hinahalikan nya ung pinto, NAGMUMURA NA SYA. Unlike me, pinapaalam nya sa buong mundo na nagmumura xa. Kuya, okay lang yan ako nga maiistroke na, poised pa rin. Four minutes xang nagmumura. At least ung isang minuto nakapagtimpi pa xa. Pasalamat nlang tayo. YES BUMUKAS NA RIN ANG PINTO. SUGOD MGA KATIPUNERO!!!! Katulad kanina, nagulat nlang ako at nasa Araneta Footbridge na ako kahit d humahakbang. Hahaha. Joke lang. Fairmart lang.
Scene 5
Syempre malayo pa ang Cainta kaya mejo matagal pa ang misadventures ko. Dahil shocked pa ang katawan at isipan ko sa MRT, it-try ko pa bang magLRT papuntang Santolan Pasig??? HINDI NA!!! Bumili muna ako ng pasalubong sa pamangkin ko. Xmpre donut sa GoNuts. Hay ang panahon nga nman (biglang slowmo with matching wind blowing in my face). Ang dami n ng nagbago sa Araneta Cubao (pero ewwness parin ang Fairmart, class D?? hahaha, cge idowngrade pa natin Class DD-). Iba na kasi ang ayos ng Araneta Cubao since college ako (ui nito lang yun ha). Nag-improve ang terminal ng jeep papuntang RIZAL province, Marikina and the neighborhood towns). Pati ang ruta, nagbago din. Wow, iwas traffic! Haha, inikot ikot lang pala dahil ang bagsak din namin ay ang madugong traffic sa Aurora Blvd. Utang na loob!!! Tantanan nyo na ko... Sana tiniis ko nlang ang init ng katanghalian sa bahay sa Manda... Huhuhu.. Pagkatapos ng isang oras sa Aurora Blvd, matiwasay naman akong nakarating sa Cainta. Time of arrival 8pm. Ang saya ng byahe. Tara! Byahe tayo!!
Correction, hindi pala to Travel Misadventures kundi A Series of Unfortunate Events!
4 comments:
Manda. I like thank. So sosyal.
So ako ay taga Sampal Mani (short for Sampaloc, Manila)
More power Ravinhood!
Masarap sa LRT2 di ba, nagsasalita yung train...
I like that pala.. I like thank pala.. haha.. sensya
i made delete my previous comment because it's like so mali-mali. ano ba.. kakagising lang kasi me..
anyway..mag mrt misadventures tayo ulit minsan.. roundtrip kasi para bida ka..hahaha.. and hamak namang mas maganda and comfy ung lrt papuntang santolan no.. daan ka samin minsan. hahaha.. so tgal naman ur byahe. amazing..natawa ko in fairness..hehehe..
Post a Comment