Monday, November 3, 2008

Brad Patayin Mo ang Kandila!


Di ako umuwi ng province kasi natapat na weekend ang holiday. Hirap makipagsiksikan lalo na sa barko. Stay na lang ako sa Manda. Wala rin akong balak pumunta ng Cainta. Mahoholdap lang ulit ako dun. Nadouble hold-up kasi ako nung sweldo ng ate at kuya ko. Hay. Di ako mabait na kapatid, wala lang talaga akong nagawa. Che.

Bumili na lang ako ng kandila sa SM, anim na piraso. Sa lola, sa dalawang lolo, sa kapatid ng lolo, sa tiyo ng lola, sa ibang kamag-anak sa mother’s side at isa para sa mga kamag-anak sa father’s side. Siguro naman di na nila ako dadalawin. Lashir kasi umuwi ako. Thishir lang hindi.

Maiksing pabilog ang binili kong kandila para madaling maubos. Sabi kasi ng mga matatanda sa min dapat pag nagtirik ka ng kandila sa mga yumao, dapat intayin mong maupos. Sign ata yun ng paggalang. Parang nasa hapagkainan, wag kang aalis hanggat me kumakain pa. Tapos pag di ka daw nakadalaw, ipagtirik mo rin sila ng kandila, same thing lang.

8pm na ako nakauwi. Sinindihan ko kagad ang anim na kandila sa may terrace na mukhang veranda sa tabi ng kwarto. Hindi kasi ganung kataasan. Syempre plus konting dasal. Sabi ko ‘baka matagal ding maubos yung kandila at mapaovernight pa ako sa pagintay na maupos.' Naglaba muna ako ng mga mejas, panyo at underwear. Nagmidnight snack. Nanuod ng TV ng konti. Pag-akyat ko, hindi pa rin upos. 11pm na. Hindi pa ako inaantok kaya naglaro muna ako ng mga games sa laptop. Maya-maya may tumatawag sa pangalan ko sa harapan sa ibaba. Lumabas ako sa terrace. Ah yung landlady naming matandang babae pati kapitbahay naming lalaki. Tinanong nila ako kung nakalagay daw ba sa baso yung kandila. Huh? So kelangan ko ng anim na baso. Dalawa lang kaya yung baso ko (isang mug at isang plastic na tumbler). Sabi ko hindi po. Nakadikit po sya sa sahig, sabi ko. Although di ko naman kailangang idikit kasi tatayo naman ung kandila kasi pabilog sya. Sinabi ko na lang na wag po kayong mag-alala, binabantayan ko naman at iniintay kong maupos bago ako matulog. Nakabukas kasi yung pinto sa terrace at tapat lang nun ung kama ko kaya kita ko kung anu nangyayari sa mga kandila. Natatakot siguro sila na baka may mangyaring masama at magkasunog. Dikit dikit pa naman ang bahay namin. Huh? Alam ko naman yun. Sige na pagbigyan ang mga matatanda.

Tinamad na tuloy akong maglaro. Nakinig na lang ako ng kanta. Elton John. After ng limang kanta ni Elton, may tumatawag ulit sa baba, Brad! Brad! Brad! Sabay hampas sa kahoy na terrace. Alam ko na kagad kung sino ang hinayupak na to. Lumabas ako kagad kasi ang dami nyang sinasabi. Tumpak, ang anak na adik at lasinggero ng landlady namin. Baka daw gusto kong magkasunog. Di ko daw ba alam na kahoy yung bahay. Blah blah blah. Nagpinting na tenga ko. Mukha ba akong adik? Igaya ba ako sa kanya. Kuya matino ang pag-iisip ko di tulad mo. Siyempre mahinahon pa rin ako, ah kuya binabantayan ko po yan. Sagot nya, kahit pa! blah, blah, blah. Nagpinting lalo ang tenga ko. Adik talaga tong mamang to, sinabi nang binabantayan ko e. Tuloy pa rin sya, blah, blah, blah. Siyempre para tumigil sya, sundin na lang ang gusto. Sabi ko, sige kuya patayin ko na lang. Kuya, ang ganda ganda mo, ang ganda mong patayin! (haha) Nakadrugs na naman siguro sya. Mag aala una na ng madaling araw. Ah bahala ka, lagot ka sa mga yumao kong kamag-anak!

For sure usapan to mamayang umaga ng mga mahaderang kapitbahay. Hay. Manda doesn’t fit my lifestyle anymore. Huh? Anung connect. Basta lang.

No comments: